Tuesday, September 30, 2014

GAL. 6-9- HUWAG MANGHINAYANG ...

***

Huwag manghinayang sa gawang kabutihan,
Sa takdang panahon ikaw ay gagantimpalaan

Salamat po Panignoon, niloob ninyong may nagtatag,
Samahan ng manggagamot sa Tundong nililiyag,
Sila ang aming huwaran sa lahat ng pagsisikap,
Upang ang baya'y lumusog, tanging pangarap ng lahat.

Taus-puso ang pagbati sa araw ng pagdiriwang,
Nitong manggagamot, lumilingap, nagmamahal,
Limampung taong singkad kung tumulong bukas-palad,
Tanggapin ninyo ang pangaral buhat sa pusong wagas.

Kapit-bisig tayong lahat itaguyod layon nito,
Gampanan ang adhikain maka-Diyos, makatao,
Pagtulong sa maralita, bahagi ng ating mundo,
Ito ang Kapisanan ng Manggagamot sa Tondo.

"Maligayang pagdiriwang sa ating lahat."

Felicisima B. Bacon, M.D.
Pangulo 1996-1998



No comments: